WebClick Tracer

Tumira sa ibang bansa

Ano po kayang ibig sabihin ng panaginip kung saan nakita ko ang sarili ko na nakatira sa ibang bansa at doon na raw talaga naka-base?

Hindi ko naman talaga ito pinapangarap na mangyari pero masarap sa feeling yung nakita ko sa panaginip na may nagbago sa life ngayon. Salamat sa sagot.

RR

Ang panaginip na ito ay tungkol sa acceptance. Pagtanggap na may mga bago talagang experience sa buhay na iyong mararanasan, pilitin mo man o hindi.

Base sa tono ng iyong message, tila nakakaramdam ka ng ‘pagkabagot’ sa araw-araw mong routine. Maaaring hindi ka naman malungkot dahil kontento ka dito, pero naghahanap ka ng bago at normal lang naman ito.

Sinasabi ng iyong panaginip na gusto mong mag-move mula sa mundane routines mo patungo sa adventurous na journey.

Maaari rin na nangangahulugan ang panaginip mo na ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong makapunta sa mga lugar na hindi mo akalaing mararating mo. Pwede rin naman na hindi ito isang lugar kundi isang feeling, sitwasyon, o anumang unexpected na pangyayari.

Ang parte naman ng iyong panaginip kung saan nakita mo ang sarili mo na nakatira na sa ibang bansa ay indikasyon na kailangan mong umalis sa negatibong sitwasyon. Dapat mong i-prioritize ang mga option monsa buhay at hindi basta sumang-ayon sa dinidikta lamang sa iyo.

Indikasyon din ang panaginip mong ito na dapat kang magbakasyon. Tandaan na hindi naman robot ang katawan, meron din tayong kapaguran at normal na magkaroon ng ‘chill’ moment. Ibig sabihin ay mag-relax ka rin.

Importante rin ang isang opurtunidad na magbubukas dahil ang magiging desisyon mo dito ay magdidikta sa iyo para umabante sa future.

Ang whole point ng panaginip na ito ay pagkakaroon ng growth. Kung napanaginipan mo na nag-aaral ka ng foreign language, sinasabi naman ng panaginip mong ito na magkakaroon ka ng ibang trabaho.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatchers@gmail.com

TELETABLOID

Follow Abante News on