WebClick Tracer

Sanggol patay sa sunog

PATAY ang apat na buwang gulang na sanggol nang maiwan ito sa nasusunog nilang bahay sa Tagbilaran City, Bohol noong Sabado.

Sa ulat kahapon ni Tagbilaran City Bureau of Fire Protection (BFP) SFO1 Irvin Bongalos, sumiklab ang sunog sa isang bahay na pag-aari ni Romeo Bantugan Sr., lolo ng sanggol, sa Barangay Ubujan sa nasabing lungsod bandang alas 12:48 nang tanghali.

Mabilis namang nakatawag ng bumbero ang mga residente at maagap na naapula ang apoy bandang ala 1;17 nang tanghali.

Sinusuri ng mga bumbero ang lugar nang bumulaga sa kanila ang sanggol na wala ng buhay matapos na ma-suffocate ng makapal na usok.

Hindi sinabi sa ulat ng BFP Tagbilaran City kung nasaan ang mga magulang ng sanggol nang maganap ang sunog.

Samantala, wala namang nadamay na ibang kabahayan sa naganap na sunog na umabot sa P40,000 ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on