WebClick Tracer

Lolo’t lola pinag-iingat vs heat stroke

Pinapayuhan ang mga Lolo’t Lola na dagdagan ang pag-inom ng tubig, juices, gatas o kape dahil ang kanilang mga edad ay prone sa sakit, lalo na sa heat stroke ngayong papalapit na ang mainit na panahon at panimula naman ng El Niño na unti-unti nang nananalasa sa mga pananim sa ilang lalawigan.

Kaya naman inirerekomenda ni Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert, na uminom ng 12 baso o higit pa ng tubig sa isang araw para maibsan ang init ng katawan mula sa kapaligiran.

Payo pa ng doktor na palagiing uminom ng tubig, fruit juices na may bitamina, gatas o kape na mas gusto ng karamihang matatanda basta madagdagan lamang ang fluids sa kanilang katawan at hindi ma-dehydrate.

Iwasan din ang pagbibilad sa tirik ng araw, lalo na sa mga mangingisda, magsasaka at iba pa, puwede namang gawin sa umaga o pa-hapon ang trabaho basta makaiwasan lang sa maitinding init ng araw at maalagaan ang katawan laban sa sakit.

Kung mago-outing naman, huwag maligo ng tanghali, sunog ang balat ang magiging resulta nyan ay sunburn. Masarap maligo sa umaga at bandang hapon na. safe pa sa araw.

Kapag nasa bahay naman ay magsuot ng komportableng damit, duster sa mga lola ay ok na at sando naman kay lolo.

Maraming paraan para makaiwas sa init ng panahon, may pamaypay o electric fan naman, maligo para mapreskuhan ang katawan at magtubig para lalong safe.(Vick Aquino)

TELETABLOID

Follow Abante News on