WebClick Tracer

Jaylen Brown kayod kontra New York

SA likod ng 30 points ni Jaylen Brown at 22 ni Kristaps Porzingis, ginawang pangwalong sunod na biktima ng Boston Celtics ang New York Knicks 116-102 Sabado ng gabi sa Madison Square Garden.

Umayuda pa ng 19 points si Jayson Tatum at 13 kay Derrick White sa 78th NBA 2023-24 regular season leading Celtics (45-12).

Hindi umubra ang 34 markers ni Jalen Brunson at 16 ni Josh Hart sa Knicks (34-23) na napigil sa 4th spot sa East. Sa apat na pagtatagpo sa season, hindi nasingitaan ng New York ang Boston.

Apat lang ang lamang ng C’s sa second half bago nagsabwatan sina Brown, Tatum at Porzingis para i-maniobra ang 30-11 spurt sa pagkalas.

Dumikit sa 67-61 ang Knicks, nagbaon ng back-to-back 3s sina Porzingis at Tatum para sa 73-66 lead.

Abante pa sa 97-77 ang Boston, nagkasa ng 13-2 run ang New York mula dulo ng third quarter patawid sa bukana ng fourth pero nag-counter ng 10-0 blitz ang Celtics 109-90 kulang 5 minutes na lang.

Hindi na nakalapit ang Knicks.

(Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on