WebClick Tracer

Dave Apolinario wagi sa Japan

NAPANATILI ni dating International Boxing Organization flyweight champion Dave Apolinario ang malinis na kartada nang bumangon sa pagkabagsak sa third round upang idemolis si Tanes Ongjunta ng Thailand sa fourth VIA knockout sa nakaraang linggo sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Malululutong na kaliwang straight ang pinatama ng Pinoy na nagpatumba sa Thai sa 1:44 ng nabanggit na bahagi ng bakbakan.

Tumayo si Ongjunta sa bilang nI referee Yuji Fukuchi ng Japan, pero hindi pinalampas ni Apolinario ang pagkakataon PARA bugbugin ang katunggali sa pamamagitan kabilang ang kanang uppercut para makuha ang panalo sa nakatakdang 8-rounder fight.

Umangat ang kartada ni Apolinario sa 20-0 kasama ang 14 panalo sa KOs.

Atat siyang makatuos si World Boxing Association flyweight champ Japenese Seigo Yuri Akui na inagawan ng korona si Artem Dalakian ng Ukraine sa 12-round unanimous decision noong Enero sa Osaka..

Inamin ng promoter at manager ni Apolinario na si Jim Claude Manangquil na naging pabaya ang kanyang bata sa laban kaya’t inabot ng kanang suntok ni Ongjunta. Naulo rin ni Dave si Tanes na nagkasugat.

(Gerard Arce)

TELETABLOID

Follow Abante News on