WebClick Tracer

Search and retrieval operation sa Davao de Oro landslide, winakasan na

WINAKASAN na ng lokal na pamahalaan ang paghahanap sa walo pang nawawalang biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro.

Makaraang ang 16 na araw simula nang mangyari ang trahedya sa Barangay Masara sa nasabing bayan, naglabas ng executive order si Maco Mayor Arthur Carlos Voltaire Rimando para sa pormal na pagtatapos ng lahat ng aktibidad sa search and retrieval operation sa lugar simula alas-singko ng hapon.

Batay ito sa mga pagtaya at rekomendasyon ng mga incident commander sa lugar.

Ayon sa incident management team, simula noong Linggo ay wala na silang nakita kahit isang bangkay sa ground zero.

Simula ng mangyari ng malagim na trahedya, noong Pebrero 6, umabot sa 93 bangkay ang narekober sa lugar samantalang walo pa ang nananatiling nawawala.(Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on