WebClick Tracer

Pawnshop nilooban: 2 sa 6 holdaper naka-uniporme ng pulis

ISANG pawnshop ang nilooban ng anim na hinihinalang holdaper at dalawa sa mga ito ay naka-uniporme ng pulis noong Miyerkoles sa Koronadal City, South Cotabato.

Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) chief Police Col. Jean Fajardo, may mga person of interest na sila sa mga nanloob sa Agencia Brillantes Pawnshop sa nasabing lungsod.

Ani Fajardo, sapol sa CCTV camera ang anim na suspek kung saan unang pumasok sa pawnshop ang dalawang naka-uniporme ng pulis. Hindi naman matukoy ang halaga ng nakulimbat ng grupo.

Samantala,maglalabas ng P500,000 pabuya ang lokal na pamahalaan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspek.

Ayon kay Koronadal City Mayor Eliordo Ogena, malaking tulong ang mga kuha sa CCTV para malutas ang krimen.(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on