WebClick Tracer

Mag-erpat pumalag sa holdap, anak patay, tatay sugatan

TODAS ang isang 28-anyos na babae habang sugatan naman ang ama nito matapos silang pumalag hanggang barilin ng isa sa dalawang nangholdap sa kanila sa Mamasapano, Maguindanao noong Miyerkoles nang hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Janine Villagustin Hinay habang ginagamot pa sa isang ospital ang ama nito na si Dionisio, 56 anyos, kapwa mga residente sa Barangay San Emmanuel, Tacurong City sa nasabing lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, lulan ng multicab ang mag-ama nang harangin sila ng mga suspek sa kahabaan ng Barangay Libutan ng nasabing lungsod.

Tinangay ng mga suspek ang sling bag ng dalaga na may laman na P30,000 cash pero posibleng nanlaban muna umano ang mga ito kaya pinutukan sila ng mga suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang dalaga sa binti, kanang braso at tiyan na kanyang ikinamatay, habang ang tatay nito ay tinamaan ng bala sa kaliwang binti.(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on