WebClick Tracer

Strawberry cupcakes kakalat ngayon sa La Trinidad

Sa nalalapit na Strawberry Festival sa Marso, ibibida ang nasa 10,000 strawberry cupcakes ng sikat na strawberry farms at capital town ng La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Mayor Romeo Salda, masyado nang `in’ ang strawberry kaya iniba nila ng timpla ngayong 2024 at ginawang cupcakes pero strawberry flavored lahat ang ibibida ngayong festival mula March 4 hanggang 26.

Nasa 10,000 strawberry cupcakes ang ipinagawa at maaari itong ibenta ng P40 isang piraso.

Sinabi naman ni Valred Olsim, municipal tourism officer, na naghanda na sila ng nasa 500 kilos ng strawberries para sa gagamiting 10,000 cupcakes na ibi-bake ng apat na sikat na baker ng Benguet.

Giit pa ni Olsim, ang Strawberry Festival ay isang municipality event kaya wala silang gaanong pondo na nakalaan para sa kasiyahan at isang mainam na paraan na rin ang pagnenegosyo ng kanilang bidang cupcakes.

Hawak pa rin ng La Trinidad, Benguet ang Guinness World Record for the biggest strawberry shortcake na in-award noong March 2004.

(Vick Aquino)

TELETABLOID

Follow Abante News on