WebClick Tracer

Negosyante sugatan sa tandem

MALUBHANG nasugatan ang isang babaeng negosyante nang tinangka itong iligpit ng riding in tandem habang naglilinis ng coffee vendo machine sa harap ng kanyang computer shop sa Meycauayan City, Bulacan noong Linggo.

Dinala sa Meycauayan Doctors’ Hospital ang 29-anyos na biktima, may-ari ng computer shop sa Patag St.,Barangay Lawa dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, abala ang biktima sa paglilinis ng kanyang negosyong coffee vendo sa harap ng kanyang computer shop nang dumating ang mga suspek bandang alas 3:35 nang tanghali.

Huminto ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima. Gayunman, masuwerteng isang tama lang ng bala ang tinamo nito.

Tumakas ang mga suspek lulan ng itim na motorsiklo pagkatapos ng pamamaril .

Nagsasagawa na ng back tracking sa CCTV footage ang mga awtoridad para matukoy ang mga suspek. (Jun Borlongan)

TELETABLOID

Follow Abante News on