WebClick Tracer

Lumalala, away Duterte- Marcos

Mukha yatang lumalala ang giyera patani ng mga Duterte at mga Marcos.

Wala nang sinisino ang tatamaan.

Idinamay na ni Davao City Mayor Sebastian”Baste” Duterte si Sen. Imee Marcos sa kanyang pagtutuligsa sa mga Marcos kahit na kakampi ni Imee si Vice President Sara Duterte, kapatid ni Baste.

Si Imee at Sara ay malapit na magkaibigan. Si Imee ang nagkumbinsi kay Sara na tumakbo bilang vice presidential candidate ni Bongbong Marcos (BBM) noong nakaraang eleksiyon.

Sinabi ni Baste kay Imee, “naaawa ako sa iyo, ‘di sa kapatid mo.”

Noong rally sa Davao City ng Hakbang ug Maisug Leaders Forum noong Enero 29, hinamon ng Davao City mayor ang Presidente ng Pilipinas na mag-resign dahil wala itong pagmamahal sa bayan.

Nandoon din si Senator Imee sa rally at napakinggan ang hamon ni Mayor Baste sa kanyang kapatid na si BBM.

Sinabi ni Imee na laki ang pagso-sorry ni Baste sa kanya sa ginawa ng mayor na hamon kay BBM.

“Pasensiya ha, sorry, sorry,” ani Imee sa ginawang pagsisisi ni Baste.

Sa kanyang pinost sa Facebook page, nilinaw ni Baste na kay Imee siya nag-sorry at ‘di kay Pangulong BBM.

Masakit ang sinabi ni Baste kay Imee, “Linawin ko lang kasi ginagamit mo na sa drama mo diyan sa media. Humingi ako ng tawad dahil naawa ako sa iyo, hindi dahil sa sinabi ko tungkol sa kapatid mo na presidente.”

Si Imee kasi ay nilalabanan ang people’s initiative na isinusulong ng Kamara de Representantes kung saan ang kanyang first cousin ay si Martin Romualdez.

Ang takot na baka masampahan si Digong ng crime against humanity sa International Criminal Court ang dahilan kung bakit nanggagalaiti ang mga Duterte.

Kapag lumala pa ang away ng mga Duterte sa mga Marcos, baka ‘di na kelangang i-surender ng bansa ang dating pangulo sa ICC.

May mga ugong-ugong na baka arestuhin si Digong dahil sa sedition nang sinabi niya sa rally sa Davao City na ihihiwalay niya ang Mindanao sa Pilipinas.

Ang sedition, isang heinous crime, ay panawagan sa taumbayan na mag-alsa sa pamahalaan.

TELETABLOID

Follow Abante News on