WebClick Tracer

Kampo ni Bea Alonzo ‘di guilty sa mga isyu kay Dominic Roque

Kinulit-kulit kami ng isang showbiz insider kung ano raw ang masasabi namin sa mga isyu na involved sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque?

Sey lang namin, hindi namin masasabing guilty ang kampo ni Bea sa mga isyung iyon dahil never naman naming narinig sa kanila ang mga naglabasang isyu against Dominic.

‘Yung mga malisyosong isyu rin laban kay Dominic ay never naming pinatulan dito sa Abante, ha!

At palagi rin naming sinasabi na mas maganda kung sina Bea, Dominic mismo ang maglilinaw, magsasalita tungkol sa mga isyu sa kanila.

Na masaya nga kami nang maglabas sila ng joint statement noong Sunday.

Anyway, kinumusta namin ang isang malapit sa pamilya ni Bea kung kumusta na ba ang aktres?

Wala pa raw update dahil kababalik pa lang ni Bea galing sa Singapore noong Lunes ng madaling araw.

Pero sabi ng taong tinanong namin, “I think she’s okay. Kasama naman niya ang pamilya niya.

“Kapag kasama naman ni Bea si Mommy Mary Anne (Ranollo), okey na okey siya.

“Lahat naman ng mga nangyayari kay Bea naise-share niya kay Mommy Mary Anne.

“Ganun ka-close ang mag-ina,” tsika pa ng taong kausap namin.

‘Yun na!

TELETABLOID

Follow Abante News on