WebClick Tracer

Erpat 10 beses binoga sa harap ng anak

BUMULAGTA ang isang 33 anyos na lalaki matapos itong barilin ng 10 beses ng hindi pa nakikilalang gunman sa harap ng kanyang 7-anyos na anak sa Tondo, Maynila noong Linggo.

Namatay noong din ang biktimang si Mark Jeff Florentino, ng 1816 Int. Biak na Bato St. Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg John Teody Siguen ng Manila Police District-homicide section, nangyari ang insidente sa kanto ng Biak na Bato at Alley 4 st. bandang alas 3:30 ng tanghali.

Sinabi ng anak nitong si Crystal na kasama siya ng biktima nang tinapatan sila ng nakamotorsiklong suspek na naka-itim na jacket, t-shirt at sapatos. Bumunot umano ito ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang ama.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Abad Santos Avenue nang bumagsak ang biktima.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pagpaslang. (Juliet de Loza-Cudia)

TELETABLOID

Follow Abante News on