WebClick Tracer

Casino financier lusot sa ambush

NAKALIGTAS sa tangkang ambush ang isang casino financier matapos itong barilin ng isa sa riding in tandem sa Imus City, Cavite noong Linggo.

Ginagamot ngayon sa isang hindi tinukoy na ospital ang biktimang si alyas ‘Olan’ 53, residente ng Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan

Inaalam na ng pulisya kung may mga CCTV camera sa paligid ng lugar na maaaring makatukoy sa mga suspek at makatulong sa kanilang imbestigasyon.

Sa ulat, nasa loob na ng Ridgecrest Subd. sa Barangay Pasong Buaya ang biktima sakay ng kanyang Hyundai Kona nang paputukan ito ng naka-angkas na suspek pagsapit sa tapat ng isng recreation park bandang alas-singko nang hapon.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang dalawa patungo sa direksyon ng Molino 4, Bacoor City, Cavite habang nagawa pang magmaneho ng biktima papunta sa ospital para magpagamot. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on