WebClick Tracer

Belgian terrorist, 1 pa hinarang sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Belgian na nasa listahan ng International Police (Interpol) ng mga hinihinalang dayuhang terorista.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na hindi pinapasok sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang hindi pinangalanan na 31-anyos na pasahero noong Pebrero 7 dahil sa pagiging undesirable alien nito.

Pinabalik din aniya ito pagkatapos dumating sakay ng isang Etihad flight mula sa Abu Dhabi kasama ang 27-anyos nitong kasama.

Ayon kay Tansingco, lumitaw ang pangalan ng dayuhan sa interpol derogatory check system ng kanyang computer kaya hindi niya ito pinapasok sa Terminal 3.

Nakita na nasa diffusion notice ang Belgian dahil sa pagkakasangkot sa krimen na may kaugnayan sa terorismo. (Mina Nabarro/Otto Osorio)

TELETABLOID

Follow Abante News on