WebClick Tracer

Angeline Quinto naloka sa sigaw ni Jolina Magdangal

Naloka si Angeline Quinto nang biglang-bigla ay may marinig siyang pagkalakas-lakas na sigaw sa parking lot.

“Angeeeeee!” ang umalingawngaw na boses, na kaloka, dahil galing kay Jolina Magdangal.

“Ang pangit ng sigaw ko! Masyado atang bikaka!” sabi ni Jolina.

Makikita sa video na nagulat si Angeline.

“Ate Jolens, bakit mo ako sinisigawan?” tanong ni Angeline.

“Ako naman ang maninigaw! Kasi nakikita ko lagi ikaw ang naninigaw!” sabi ni Jolina kay Angeline.

At siyempre, nagbeso ang dalawa sa huli, pero kitang-kita sa mukha ni Angeline ang pagkabigla.

At kaaliw siyempre ang reaksyon ng mga kaibigan nila.

“Back to you Angeline. Hahahaha!” sabi ni Melai Cantiveros.

“Yung sigaw ni Jolina kay Angeline, parang magbabayad agad ako ng utang kapag ganiyan ang naniningil!”

“Nakakatawa si Jolina. Nakaganti kay Angeline.”

“Ay magandang collab `yan nina Jolina at Angeline, ang manigaw ng mga kasamahan nila.”

“Mula ngayon, ikaw na si Jolina ‘naninigaw’ Magdangal! Bagay!”

Well, iba rin talaga kapag ang ginagawa mo, binalik sa iyo! Kaloka!

(Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on