WebClick Tracer

Magsasaka pinugutan sa bundok

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang 26- anyos na lalaki matapos itong pugutan ng ulo sa bundok sa Calbayog, Samar noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Renal Elar Monteclaro, 26 anyos, isang magsasaka at residente ng P-4, Barangay Villahermosa, Calbayog City.

Ayon sa report ng Calbayog City police, naganap ang krimen bandang alas 9:26 nang umaga sa gawaan ng uling ng biktima sa bundok sa Barangay Geragaan, Calbayog.

Naalarma ang pamilya ng biktima nang hindi na ito nakauwi galing sa pag-uuling.

Laking gulat ng pamilya nang makita nila itong nakabulagta at walang ulo hindi kalayuan sa kanyang gawaan ng uling.

Positibo namang natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima matapos itong kumpirmahin ng kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng kanyang tattoo sa katawan.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para madakip ang pumaslang sa biktima.

Iniimbestigahan pa rin ngayon ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan sa salarin.

(Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on