WebClick Tracer

2 timbog sa P15M tobats

MAHIGIT sa P15 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dalawang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng PNP Bicol sa Purok 1, Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte noong Biyernes nang gabi.

Kinilala ni Pol. Col. Joselito Villarosa Jr, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas “Lon” 38 anyos, residente ng Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte at “Ian”, 39-anyos at taga- Barangay San Cirilo, Pasacao, Camarines Sur.

Ayon kay Villarosa, nadakip ang mga suspek bandang alas 11:20 nang gabi sa isinagawang buy bust ng pinagsanib na mga operatiba ng Vinzons Municipal Police Station- Cam. Norte PPO at Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU5) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Norte.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 2.2 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P14, 960,000 at 40 gramo ng hinihinalang cocaine na nasa P212,000 na mayroong kabuuang halagang P15,172,000.

Sa ngaon ay nakakulong sa Vinzons Municipal Plice Station (MPS) ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on