WebClick Tracer

Magnitude 5.9 yumanig sa Agusan

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Agusan Del Sur, alas 11:22 ng umaga, araw ng Sabado, Pebrero 10.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 3km Timog-Kanluran ng Esperanza, Agusan del Sur.

Aabot sa 27 km ang lalim nito at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity II sa Kidapawan, Intensity I naman sa Arakan at Kabacan, Cotabato.

Naramdaman naman ang instrumental Intensity IV o bahagyang malakas sa Cagayan de Oro, Intensity II naman sa Kidapawan at Banisilan, Cotabato.

Wala namang naitalang pinsala sa pagyanig.

(Natalia Antonio)

TELETABLOID

Follow Abante News on