WebClick Tracer

Lola tinadtad ng bala

Todas ang isang lola matapos siyang barilin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Evangelista, Umingan, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Teresita Jardiel Abesanes, 64, isang balo, ng nasabing barangay.

Sa imbestigation, ayon sa Umingan Police Station, nakatayo si Abesanes sa harap ng kanyang bahay nang biglang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.

Dito’y walang sabi-sabing bumunot ng baril ang backride ng motorsiklo at pinagbabaril ang matanda.

Agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril habang ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit siya ay dead-on-arrival dahil sa tinamong mga bala ng baril sa katawan.

Naka-recover ang mga pulis ng anim na basyo na bala ng .45 pistol sa crime scene.

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril at kung sino ang may gawa ng krimen.

(Allan Bergonia)

TELETABLOID

Follow Abante News on