WebClick Tracer

Konsehal may `death threat’ bago niligpit

Nakatanggap na ng “death threat” noon pang isang taon ang numero unong konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija bago ito napatay nitong Huwebes ng umaga.

Ito ang nakumpirma ng Abante mula sa kinakasama ni Sangguniang Bayan Member (SBM) Roberto “Amang” Salonga Carpio Jr., 62, na tinambangan ng riding-in- tandem.

Noon pang 2023 ay nagpa-blotter na umano sa pulisya si Alyas Arlene makaraang makatanggap ng tawag sa telepono at pinag-iingat ang biktima dahil iniupa na ang paglikida dito.

Lumilitaw na usapin sa lupa ang dahilan umano ng pagbabanta.

Dahil dito ay nanawagan si Mayor Arvin C. Salonga sa mga kapwa opisyales ng ibayong pag-iingat lalo na kung may banta na sa buhay.

Naglaan si Mayor Salonga ng pabuyang P500,000 sa sinumang makapagtuturo sa salaring sangkot sa pamamaslang kay SBM Carpio.

Inapruhan pa ni Salonga ang SB Resolution 2024-0017 na naglalagay sa `half mast’ sa mga watawat sa bayan hanggang malibing ang konsehal.

(Jojo De Guzman)

TELETABLOID

Follow Abante News on