WebClick Tracer

2 lady tulak nalambat

Timbog ang dalawang babaeng illegal-drug pusher peddler at nasabat sa kanila ang tinatayang P800,000 na pinaghihinalaang shabu matapos ang ginawang anti-illegal drug bust ng mga operatiba sa Peñablanca, Cagayan kamakalawa.

Ayon sa Peñablanca Police Station (PPS), ang mga suspek ay kinilala lamang sa mga alyas na Liza, 32 at Marie, 35, tubong Tandang Sora, Quezon City.

Sa inisyal na report, ayon sa PPS, nakatanggap sila ng impormasyon na ang dalawang suspek ay galing ng Quezon City at pumunta sa bayan ng Peñablanca upang mag-deliver ng umano’y shabu.

Agad namang bumuo ng buy-bust operation ang PPS anti-drug unit at inaresto ang dalawang babae pagkaraang iabot sa undercover agent na police ang shabu na may halagang P714,000.

Nakuha sa mga suspek ang mga shabu, tatlong mobile phone, 2 bag at marked money na ginamit sa operasyon.

Nakakulong ngayon sa PPS jail ang dalawa at nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Allan Bergonia)

TELETABLOID

Follow Abante News on