WebClick Tracer

Magpinsang tulak nabitag sa P2M droga, boga

ARESTADO ang dalawang drug dealer na umano’y konektado sa local terrorist group matapos silang makuhaan ng abot sa P2 milyon halaga ng umano’y shabu sa ikinasang entrapment operation sa Sultan Kudarat, Maguinda­nao.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), ang dalawang suspek na sina Fahad Tumagantang Sapal at Faisal Giomla Sapal, kapwa residente ng Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan.

Ayon kay Nobleza, konektado ang mga suspek sa grupong Dawlah Islamiyah.

Sa ulat ng pulisya, nadakip ang mga ito sa entrapment ope­ration sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat noong Miyerkoles.

Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska­han din ang magpinsan ng tig-isang kalibre .45 na baril.

Nakakulong na ang mga suspek sa Sultan Kudarat Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

­(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on