WebClick Tracer

Zeinab Harake bet magpadila kay Ivana Alawi

Kaloka ang latest Instagram post ni Ivana Alawi, na ganda-gandahan lang siya, suot ang agaw-pansin na shades niya!

Pero, ang mas nakakaloka nga kasi, na habang panay ang emote niya, panay rin ang dila niya sa ice cream na hawak niya. Ang sarap-sarap ngang dumila ni Ivana ng ice cream, ha!

At siyempre, nakakaloka ang reaksyon ng mga netizen, lalo na ang mga kaibigan ni Ivana, na pinansin talaga ang pagdila niya sa ice cream.

“Sana ice cream na lang ako,” sabi ni Zeinab Harake.

Meaning, bet niyang magpadila kay Ivana, ha! Kaloka!

Pero siyempre, joke lang naman ‘yon. Dahil obvious naman na maligaya si Zeinab sa dyowa niyang basketbolista, si Bobby Ray Parks, Jr.

Anyway, sa IG post naman ni Zeinab, mababasa na tila may paramdam na si Ray Parks na bet na niyang alukin ng kasal si Zeinab, ha!

May ibang netizen naman na kung ano-ano na lang ang hinirit kay Ivana.

May humingi ng ice cream, may humingi ng bigas, dahil mahal na raw ang bilihin ngayon.

May mga lalaki naman na nagpapansin lang, na puring-puri ang kagandahan niya.

May iba na hindi raw agad-agad nakilala si Ivana, dahil nagmukhang Hollywood star nga raw. Ang lakas-lakas nga raw ng sex appeal ni Ivana.

Pero sa kanilang lahat, ang mensahe talaga ni Zeinab ang panalo sa lahat!

(Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on