WebClick Tracer

Suwerte ni Bianca: Ruru pasarap nang pasarap ang kakisigan

Ang sarap-sarap daw ni Ruru Madrid ngayon.

Kaloka, na akala mo ulam si Ruru, na ang deskripsiyon nga ay masarap.

Eh kasi nga, ang laki-laki na ng katawan ni Ruru ngayon. Talagang pinaninindigan na niya ang pagpapalaki ng katawan para bumagay ang pagiging action star niya.

Eh kasi nga naman, patpatin talaga si Ruru. At mahirap paniwalaan na action star siya, kung wala siyang muscle, di ba?

Kaya naman ngayong bongga ang rating ng ‘Black Rider’ at talagang matitindi ang mga action scenes, mas lalo siyang ganado na palakihin ang dapat palakihin.

Kaloka lang ang iba, na nagwi-wish kay Ruru na dahil malaki na ang katawan nito, mas bongga raw kung habang nagdyi-gym siya, sabayan niya ng pagkaldag. Hahahaha!

Ang dami ring nagsasabi na ang suwerte-suwerte raw ni Bianca Umali kay Ruru, na guwapo na, mabait pa, sikat, at malaki nga raw… ang katawan. Kaloka!

Anyway, damang-dama na talaga ang bangis at lakas ni Ruru bilang si Elias Guerrero dahil patuloy ang pag-arangkada ng ‘Black Rider’ sa primetime!

Mas matapang, mas maangas, mas maaksyon na mga episode nga ang dapat abangan ng viewers sa mga susunod na linggo. Nakaantabay na ang marami sa bagong yugto sa buhay ng bida ng ‘Black Rider’.

Siguradong lalo pang darami ang susubaybay sa laban ni Elias hanggang sa makamit niya ang inaasam na hustiya!

Bongga!

(Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on