WebClick Tracer

Sonic Clay umarangkada sa PCSO-PHILTOBO Race

BUMILIB ang mga karerista sa ipinakitang husay ni Sonic Clay matapos nitong angkinin ang korona sa PCSO-PHILTOBO Stakes Race na inilarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas nitong Linggo ng hapon.

Ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, hindi nito masyado inapura sa largahan si Sonic Clay at pumuwesto lang sa pangatlo upang panoorin ang nagbabanatan sa unahan na sina Agi Daw at Eazacky.

Pagsapit ng karera sa far turn ay inagaw na ni Sonic Clay ang bandera sa naglulutsahang sina Agi Daw at Eazacky.

Lamang ng dalawang kabayo si Sonic Clay kay Elegant Lady pagsungaw ng rektahan habang nasa tabing balya naman si Agi Daw.

Patuloy ang matikas na takbo ni Sonic Clay sa rektahan kaya naman tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Agi Daw.

Inirehistro ni Sonic Clay ang tiyempong 1:26.6 minuto sa 1,400-meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si A.C. Tan ang P300,000 premyo mula sa sponsor na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). (Elech Dawa)

TELETABLOID

Follow Abante News on