WebClick Tracer

LeBron James, LA Lakers petmalu

MAY bagong trophy ang Los Angeles Lakers, inari ang championship ng inaugural NBA In-Season Tournament nitong Sabado sa Las Vegas.

Lumabas ang vintage performances nina Anthony Davis at LeBron James at binully ng LA ang Indiana Pacers 123-109.

Tumabas si Davis ng season-high 41 points, 20 rebounds, 5 assists, inayudahan ng 28 points ni Austin Reaves. Naglista ng 24 markers, 11 boards si James, ang tournament MVP. Dagdag-trophy kay LeBron na may 4 NBA championships na.

Mula sa field ay 16 of 24 si AD.

Hindi umubra ang 20 points, 11 assists ni Tyrese Haliburton at 20 markers pa ni Bennedict Mathurin sa Pacers.

Hindi kabilang ang resulta sa standings ng regular season, pero bumawi sa bonus ang players. Ang mga nasa standard two-way contracts sa LA ay tumanggap ng tig-$500K, $200K sa counterparts nila sa Indiana. Kalahati nito sa mga player na may two-way deals.

Sa pambubulabog ni Cam Reddish, napuwersa si Haliburton na pumasa kaysa tumira – 8 of 14 lang ang clip niya.

Nagkasa ng 15-3 run ang Lakers sa dulo ng fourth para pabukahin ang lead 115-99.

Ilan sa mga celebrities na nanood sa T-Mobile Arena sina Julius Erving, Shaquille O’Neal, football Hall of Famers Tim Brown at Shannon Sharpe, dating tennis star Steffi Graf, boxing champion Floyd Mayweather Jr. (Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on