WebClick Tracer

Kayla Sanchez sumisid ng rekord

BUMASAG muli ang Fil-Canadian swimmer na si Kayla Noelle Sanchez ng bagbong natinal record sa 2023 Toyota US Open Swimming Championships sa North Carolina nitong weekend.

Nilangoy ng 22-anyos na dalaga ang bagong national record na 25.37 segundo sa heats ng women’s 50-meter rreestyle para idagdag sa kanyang mga inililista na mga bagong standard sa sport.

Tinabunan ng isinilang sa Singapore at nanirahan sa Canada kasama ng mga Overseas Filipino Workers na magulang ang dating 25.48 ni Jasmine Alkhaldi na itinala sa 2019 PH SEA Games sa Manila.

Ang bagong record ay ilang araw pa lang ang nakakalipas matapos aprubahan ng World Aquatics ang pagbabago ng nasyonalidad sa sport na magbibigay-daan sa kanya na katawanin ‘Pinas simula Hulyo 6, 2023 pataas.

Unang sumabak bilang isang manlalangoy para sa PH si Sanchez sa ginanap na 19th Asian Games mula sa dating kinakatawang Canada.

Ang pagbibigay permiso ng International Olympic Committee sa kanyang kahilingan sa pagpapalit ng cittizenship ay tuluyang nagbigay daan para maging kwalipikado siya sa ‘Pinas sa 2024 Summer Olympic Games kung mag-qualify sa mga paligsahan. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on