WebClick Tracer

Hidilyn Diaz nagmarka sa snatch

ITINALA ni 2020+1 Tokyo Olympics women’s weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang bagong national at personal best record sa snatch pero ‘di nakumpleto ang pagsabak sa ginaganap na 2023 International Weightlifting Federation Grand Prix II sa Aspire Dome sa Doha, Qatar nitong Sabado.

Pumangwalo siya sa snatch ng 59kg event sa sa inangat na 100kg. Dehins na lang niya naipagpatuloy ang pagbuhat sa clean and jerk upang hindi makumpleto ang tsansa sa Paris Olympic Qualifying event.

Tinabunan ng 100kg snatch ang national record na 99kg na isinumite niya ngayon ding 2023. Gayunman, kinailangan niyang umatras sa sunod na pagbuhat sa desisyon ng kanyang coach para ‘di matapos ang kompetisyon.

Umakyat si Diaz, gold medalist sa 55kg division ng Tokyo Olympics, sa 59kg nang alisin ang 55kg sa 2024 Paris Olympics sa paghahangad na mag-qualify uli sa quadrennial sportsfest.

Hinigitan ng Zamboanguena lifter sa Qatar ang 97kg snatch sa 19th Asian Games niya. Ang pag-atras sa clean & jerk ay bahagi sa pag-iingat sa iniulat ng IWF habang idinagdag na si Diaz ay umaasa na muling aangat ang ranggo sa susunod na pagkakataon.

Ang kakamping Olympian na si Elreen Ann Ando, na Asian Games bronze medalist sa 64kg division, pero sumabak din sa 59kg, nag–95kg sa snatch at 120kg sa clean and jerk para sa 215kg total sa paglagak sa ika-11 puwesto. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on