WebClick Tracer

Friendship over na ba? Allan nag-react sa pag-guest ni Alden sa kalabang show

Limang buwan na raw na gigil na gigil si Allan K na isigaw sa buong mundo ang linyang ‘Eat Bulaga’!

Kasi nga, limang buwan na raw na ang sinisigaw nila ay ‘E.A.T.’ na hindi nga nila nakasanayan.

“Yes, deep inside, gusto talaga naming isigaw ang ‘Eat Bulaga!’ Eh kahit saan naman ako magpunta, ang tinatanong lang sa akin, ‘Kumusta na ang Eat Bulaga?’ May mga sumisigaw pa rin ng ‘E.A.T.’ pero ‘Eat Bulaga’ pa rin ang gusto nilang isigaw.

“Ako personally 28 years ko na sinisigaw ang ‘Eat Bulaga’, tapos biglang nagbago!” chika ni Allan.

Anyway, kinuha na rin namin ang reaksyon ni Allan sa pag-guest ni Alden Richards sa ‘It’s Showtime’. Nagkaroon ba ng lamat ang friendship nila? Friendship over na ba?

“Wala naman magagawa si Alden. Trabaho ‘yon. Nagpu-promo sila ng movie nila, eh. At saka… basta! Hahahahaha!

“At saka kailangan niya ‘yon. Kailangan niyang mag-promote.

“Hindi naman siguro siya papayagan mag-promote dito sa amin, kasi TV5 nga ito!” sabi ni Allan.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Alden, at hindi na magbabago `yon.

“Oo naman! Si Tisoy (tawag niya kay Alden) pa! Nag-DM (direct message) nga siya sa akin noong premiere night niya. In-invited niya ako, at sabi ko, yes pupunta ako.

“Pero, may nangyari noong gabing `yon, na hindi maiwasan, kaya hindi ako nakapunta. Pero, pinanood ko pa rin naman ang movie niya ‘yung ‘Five Breakups and a Romance’!

“Nag-support naman kami, nagkataon lang na sa premiere night may ginawa ako sa Klowns Republik!” sabi pa ni Allan.

Siya nga pala, balik negosyo nga si Allan, dahil bukod sa Klowns Republik sa Quezon Avenue, Q.C. ay plano rin niyang buhayin ang Zirkoh Comedy Bar.

Bongga!

(Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on