WebClick Tracer

Mabuhay ang Shoelanders Alumni!

Isang malaking tagumpay ang kakatapos at kauna -unahangHigh School Shoelanders Grand Alumni Homecoming 2023 naginanap sa Marikina Sports ‘Center noong Sabado, Nov 18.

Kahit tirik na tirik ang araw, dinagsa ang early registration nanag-umpisa ng ala-una ng hapon kahit 5:30 pa ng hapon ang umpisa ng programa sabi sa invitation.

Bongga ang preparasyon na sinimulan noon pang June ng working committee ng iba’t ibang batch kaya naman kita-kitangang maayos na set-up mula sa entrance hanggang sa pagpasok samalawak at malaking ground ng sports center.

Biglang bumalik sa alaala ko yung ginanap na ‘The Wave’dance demonstration noong highschool pa ako kung saannagsayaw ang libu-libong estudyante ng Marikina Institute of Science and Technology (MIST) sa loob ng nasabing venue naisa sa mga historical event ng Marikina Sports Center.

Noong una, parang magdalawang isip ako umatend sa grand reunion ng aking HS alma mater, pero parang ang hirappalagpasin ang ganitong kalaki at importanteng event dahil unasa lahat grand reunion ito ng mga nagsipagtapos simula noong1953 hanggang taong 2018.

Sa loob ng halos 65 years na nakalipas ay nagtipon ang lahat ng mga nagsipagtapos dito noong Sabado. First time ito sa history ng Marikina kaya mahalagang makadalo dito.

Touching moment na makita na dinalaw ng mga alumni ang kanilang mga teacher para pasalamatan sa pagmamahal samalaking sakripisyo. Nakita kong present sa event sina Ma’amLaureana Chuapoco at Sir Edgardo Nieto na CAT teacher.

Ang saya-saya! Magkakatabi uli at todong kuwentuhan kami ng mga classmate ko mula sa batch ’83 na sina Gerald Grande, Noel Angeles, Lyndon Miranda, Ojie Lirios, Ariel Valderama, Robe Sapiter at Marilou Cruz-Estrella. Sayang at wala ang BFF ko na si Rosie Estabillo.

Kahit walo lang kami na present sa grand reunion, parang isangclass kami sa dami ng kuwento, tawanan at pagbabalik-tanaw sahigh school life na siyang pinaka-memorable na yugto ng akingbuhay estudyante.

Walang tigil na kulitan habang pilit na inaalala ang mgapanahon na madalas kaming sigawan ng teacher kapag hindi monagawa ang iyong assignment, sa tuwing nahuli kang nangongopya o may dalang kodigo kapag exam at yung mgasandali na sama-sama kayong nagka-cut ng klase para manoodng sine at mamasyal sa Cubao.

Maayos at entertaining ang buong programa dahil bumalik anguso dati ang New Wave at Punk. Pinaghandaang mabuti ang isang gabi ng magarbong palabas at nostalgia na pinagsikapangmabuo ng MIST Batch 1992. Salamat sa nakakabilib na effort ng classmate namin na si Direk Gerald ‘Yeng’ Grande na overall event concept and director ng matagumpay na first Shoelander’sreunion.

I-flex ko lang na binigyan ng Alumni Achievement Awards ang Batch ‘83 sa pangunguna ni Direk Yeng sa larangan ng Media & Entertainment, kasama sina Roberto de Guzman sa Science and Medicine at Crisanto ‘Coach Cris’ Bautista sa Sports, presently siya ang president ng Pilipinas Super League.

Maging si Marikina Mayor Marcy Teodoro ay ginawaran ng Achievent Award sa Public Service kasama ang namayapang ex-Mayor Bayani Fernando. Bravo sa ating lahat dahil naipakitanatin ang galing at talino na hinubog ng MIST.

Salamat sa reunion na ito dahil mabuhay ang pagiging mga batamuli sa puso nati. Ang galing ng tema na “Baliktanaw at Pagpupugay sa Paaralang Mahal” dahil na-highlight ang kumustahan at pasasalamat na siyang tampok sa gabi na iyon.

Nakadagdag sa excitement ang mga bonggang pa-raffle prize nabrand new Toyota Vios, scooter, trip to HK at sandamakmak nacash prize kaya inabot ng halos hating gabi ang mga tao nanagbabakasakaling manalo, kasama na ako, pero as usual talo! Haha.

Ibang klase ang high school life dahil parang ayaw na namingmaghiwalay noong Sabado.

Maghahating-gabi na pero bakas pa rin ang sigla sa aming lahat.Sana maulit pa uli ang ganitong event para sa tuluy-tuloy napagkakaibigan at pagbuo ng good memories ng mgaShoelanders! Iba ang tunay na may pinagsamahan!

TELETABLOID

Follow Abante News on