WebClick Tracer

Tigok sa Mindanao quake, 9 na

UMAKYAT na sa siyam na katao ang namatay sa tumamang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang isang ina at 7-anyos nitong anak sa Glan, Sarangani.

Isa rin ang namatay matapos mahulugan ng bakal.

Isang babae naman ang nahulugan ng debris sa isang mall habang nabagsakan ng bumigay na pader ang mag-partner sa General Santos City.

Sa Davao Occidental, nabagsakan naman ng malaking bato ang isang matandang lalaki malapit sa kanilang bahay.

Sa tala ng NDRRMC, nasa 15 katao ang nasugatan habang 12,900 iba pa ang naapektuhan ng mga nasirang gusali at pagkawala ng kur­yente.

Aabot sa 800 mga bahay ang nasira, nasa 118 naman ang mga eskuwelahan, gusali, at pasilidad ng gobyerno ang nawasak.

Nakapaghatid na ang pamahalaan ng P11.6 milyong halaga ng tulong sa mga biktima. (Natalia Antonio)

TELETABLOID

Follow Abante News on