WebClick Tracer

Sobrang lamig ramdam sa Benguet

NAKANGINGINIG na ginaw ang umiiral ngayon sa La Trinidad, Benguet matapos na bumagsak sa 11.3 degrees Celsius ang temperatura rito kahapon.

Ayon sa ulat, ito ang pinaka­mababang temperatura na naitala ngayong taon kasabay ng amihan season.

Bukod sa La Trinidad, Benguet, magmarka rin ng mababang temperatura sa Baguio City sa 13.4 degrees Celsius habang 17.8 degrees naman ang naitala sa Basco, Batanes.

Samantala, pareho namang nagtala ng 19.5 Celsius na temperatura ang Laoag City at Tanay, Rizal.

Naramdaman din ang malamig na panahon sa Metro Manila sa naitala ritong 22.4 degrees Celsius. (Dolly Cabreza)

TELETABLOID

Follow Abante News on