PERSONAL na away ang sinisilip na motibo ng pamamaslang sa isang 30-anyos na lalaki na binaril habang nagkakape sa loob ng coffee shop sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon.
Kinilala ang biktima na si Rojie Beñarta, residente ng Purok Caiwanan, Barangay Canlamay, Ilog, Negros Occidental.
Samantala, tinutugis na ng pulisya ang suspek na kinilala na si alyas ‘Totong’, 51-anyos, residente ng Purok 2 Barangay Magballo ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na ulat, nagkakape ang biktima sa isang coffee shop sa Purok 3 Barangay Magballo nang sumulpot ang armadong suspek at pinutukan ang una bandang alas-6:45 nang umaga.
Gayunman, nag-jam ang baril ng suspek kaya nakatakbo ang biktima.
Hinabol ito ng suspek at pinagbabaril ito sa likod.
Tumakas agad ang suspek pagkatapos bumulagta ang biktima. Isinugod ito sa Kabankalan City Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor. (Edwin Balasa)