WebClick Tracer

KD, Alexa buong araw nag-date

Hindi dumalo sa naganap na ‘Star Magical Christmas 2023’ event ng Star Magic ang KDLex love team.

Wala namang opisyal na pahayag sina KD Estrada at Alexa Ilacad kung bakit hindi sila naka-attend sa nasabing annual Christmas Ball.

Pero base sa kanilang mga post sa social media ay wala naman silang work at taping sa araw na iyon.

Sa katunayan buong araw lang silang nag-date.

Lunch pa nga lang ay magka-date na sila base sa Instagram story ni KD kung saan pinost niya ang picture ni Alexa na tumitingin sa menu ng restaurant na pinuntahan nila.

Kinagabihan naman ay pinost ni Alexa ang video story ni KD na pinagluto siya ng pasta.

Sey niya sa kanyang caption, “Dinner by Chef @KDEstrada. Soooo yummmmmmm!”

Sey naman ng isang KDLex fan, “Ang galing na ni KD magluto kahit sa bahay ni Lex nakakapagluto na siya.”

Well, mukhang gusto nila na silang dalawa lang ang magkasama kaya deadma muna sila sa ‘Star Magical Christmas’ event, ha!

Well, sana matupad na ang wish ng KDLex fans ngayong Pasko na maging sila na talaga, ‘noh?!

‘Yun na! (Byx Almacen)

TELETABLOID

Follow Abante News on