WebClick Tracer

Deadma sa isyung hiwalayan kay Sarah: Richard nag-bonding sa mga anak

Ginanap noong Sunday ang binyag ng apo nina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama na si Maria Athena sa may Makati City.

Sa isang Thai restaurant ginanap ang reception at doon na kami nakapunta dahil galing pa kami ng Cebu City.

Nasa reception ang tatay ng bata na si Rocky.

Pati sina Ruffa, Elvis, Ritchie Paul ay nasa event din na ‘yon.

Siyempre, si Richard Gutierrez ay nandoroon din kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Sa tsikahan namin kay Richard ay hindi na namin siya tinanong pa ng tungkol sa tsikang hiwalay na sila ng misis na si Sarah Lahbati. Wala rin naman siyang ikinukuwento tungkol sa mga isyung naglalabasan kaya deadma na lang kami.

Ang maganda, nakita naming ka-bonding ni Richard ang mga anak niyang sina Zion, Kai.

Ang saya-saya rin ng magkapatid na nakikipaglaro sa ibang mga bata sa party.

Nang matapos ang event, sabay-sabay ring umalis sina Richard, Zion, at Kai.

Sa magkakapatid, tanging si Raymond Gutierrez lang ang absent dahil masama raw ang pakiramdam niya.

Noong kausap namin si Mond, sabi niya ay ita-try niya na pumunta, pero nag-decide na lang siyang magpahinga sa kanyang condo unit at baka lalo raw sumama ang pakiramdam niya kung lalabas pa siya.

Nasa party nga rin pala ang mga anak ni Tito Eddie na sina Tonton at Ramon Christopher Gutierrez.

Si Tonton ay kasama ang misis na si Glydel Mercado at ang mga anak naman na sina Jessica at Maxine ang kasama ni Monching.

‘Yun na!

TELETABLOID

Follow Abante News on