Malaki ang pasasalamat ng veteran actor na si Dante Rivero na nakasama siya sa pelikulang ‘GomBurZa’ na isa sa 10 official movie entries sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25 at tatagal hanggang January 7.
Sa presscon nila ay nagsabi si Tito Dante na, “I love na naging parte po ako ng ‘GomBurZa’. Talagang gusto ko makagawa ng true story na ganito!”
Malaki rin ang pasasalamat ni Tito Dante na ang isang senior star na katulad niya ay nabibigyan pa rin ng chance na makapagbida sa pelikula.
Last year, sa MMFF ay namayagpag ang pelikulang ‘Family Matters’ na pinagbidahan ng senior stars na sina Noel Trinidad, Liza Lorena at ngayon nga ay bida si Tito Dante sa ‘GomBurZa’.
“Nakakatuwa po na kahit senior star na tayo ay may ganito pa rin klase ng pelikula na puwede tayong magbida.
“Kung natutuwa po kayo na makita pa rin ako na active sa paggawa ng pelikula, ako naman ay sobrang thankful,” pahayag pa ng veteran actor.
Samantala, sobra ang suporta ng TV5 sa pagpo-promote ng ‘GomBurZa’ na obviously ay isang napakalaking pelikula.
Si Mr. Manny V. Pangilinan nga raw ay naniniwalang isang importanteng pelikula ang ‘GomBurZa’.
Inaasahan namang hahakot ng awards ang ‘GomBurZa’ sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.
‘Yun na! (Jun Lalin)