WebClick Tracer

Barangay kagawad todas, backrider kritikal sa sumemplang na motorsiklo

PATAY ang isang nanalong barangay kagawad habang malubha ang angkas nito nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Catanauan, Quezon noong Sabado nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Pañuso, 37-anyos, residente at kagawad ng Barangay Navitas, Catanauan habang ginagamot pa sa ospital ang angkas nito na si Harvey De Guia, 21-anyos dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa report, ma­tuling binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng provincial road sa Barangay Canculajao sa nasabing bayan nang mawalan ng kontrol ang manibela at tuluyan silang sumemplang pagsapit sa malalim na kurbada ng kalsada.

Nag-overshoot umano ito sa daan at sumalpok sa railing ng highway.

Namatay noon din ang kagawad habang kritikal na isinugod sa ospital si De Guia.

Kapwa umano walang suot na helmet ang mga ito nang mangyari ang aksidente.

 (Ronilo ­Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on