WebClick Tracer

Pekeng bentahan ng lupa, 2 timbog

Arestado sa isang entrapment operation ang dalawang kalalakihan habang aktong tinatanggap ang bayad sa isang housing loan matapos na nabuking na peke ang naturang transaksyon sa Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Nicodemus at alyas Richard, dahil sa reklamo ng biktima na si alyas Ruby.

Sa imbestigayon ni Police Chief Master Sergeant Roberto Lacasa, ng Bacoor City, Cavite, nagbayad ang biktima ng kabuuang halaga na P631,000,00 bilang full payment ng BDO Housing loan para sa buwan ng August hanggang October sa isang Nicodemus Chio kapalit ng isang Certifcate of Full Payment.

Gayunman, lumalabas na peke ang nasabing Certificate of Full Payment nang ito ay i-verify sa BDO.

Kamakalawa ng hapon, alas-2:30, muling tumawag ang suspek sa biktima at humihingi ng kabuuang bayad para sa car loan nito na nagkakahalagang P200,000.00 sa Philippine Business Bank.

Nag-alok pa ang suspek ng tulong na mababawasan ang kanyang utang mula sa P180K kung magbabayad siya ng P36K sa Philipine Business Bank.

Nang mag-verify ang biktima sa Philippine Business Bank, nalaman niya na walang ganung pag-uusap sa pagitan ng suspek at empleyado ng bangko.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan plinano ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang aktong tinatanggap ang perang ipinapambayad sa kanila. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on