WebClick Tracer

Bilib ang taumbayan sa performance ng Kongreso

Magandang araw muli, mga kababayan kong Bicolano! Kamakailan ay nilabas ng RP-Mission Development Foundation, Inc. (RPMD) ang Boses ng Bayan survey hinggil sa performance ng mga top government official sa bansa.

Ang ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakakuha po ng 77% satisfaction rating sa naturang survey.

Makikita rin dito na nakakuha si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng 75% satisfaction rating at 76% na trust rating. Ang Mababang Kapulungan naman ay nabigyan ng 70% satisfaction rating at 73% trust rating.

Ang patuloy na pagtaas ng rating ay sumasalamin sa pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa legislative initiatives at sa mga polisiya ni Speaker Romualdez.

Nakakaganang magtrabaho kapag pursigido ang lider! Isa itong patunay sa pangako ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino. Congratulations kay Speaker Martin Romualdez sa kanyang pagiging huwarang lider ng mababang kapulungan!

Nagpahayag din ako ng saloobin tungkol naman sa resulta ng survey ng OCTA Research kung saan 57% ng mga Pilipino ang sumang-ayon sa desisyon ng Kongreso na alisin ang confidential and intelligence fund ng limang ahensiya ng gobyerno at ilipat ito sa mga security agency na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Ito’y isang malinaw na pruweba na tama ang naging hakbang ng Kongreso sa usapin ng confidential funds. Higit sa lahat, isa rin itong patunay na sinusuportahan ng publiko ang pamamaraan sa pamamahala at fiscal prudence ng Committee on Appropriations na pinamumunuan ng inyong lingkod. Atin pong pinapahalagahan ang transparency at accountability sa kaban ng bayan.

Samantala, nitong mga nagdaang araw ay naging abala ang inyong lingkod sa pagpapanumpa sa mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Isa pong malaking karangalan na pangunahan ang mass oathtaking ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan officials sa 2nd district ng Albay.

Pinaalalahanan natin sila na maging taimtim sa pagsisilbi sa kanilang nasasakupan. Mapalad ang mga bumoto sa kanila dahil magkakaroon sila ng pagkakataong maipakita ang serbisyo publiko sa kanilang constituents.

Pinangunahan din ng Ako Bicol Party-list ang panunumpa ng 34 na Barangay Kagawad at 234 na Sangguniang Kabataan (SK) officials noong Nobyembre 8, 2023 sa Hotel St. Ellis sa Lungsod ng Legazpi.

Si Legazpi City Councilor Butch Lucila ang nagsilbing Administering Officer kasama si DILG Provincial Director Ray Caceres, Legazpi City Councilor Sunshine Imperial, at ang SK Federation President ng Legazpi City si Mae Ling Acuña-Teh.

Nagpahatid din ng kanilang mga mensahe sa mga bagong halal na opisyal sina Dating Congressman Christopher Co at si Ms. Anelyn Sumanga mula sa Ako Bicol.

Mahalaga ang papel ng mga opisyal ng barangay dahil sila ang nagsisilbing frontliner ng government services. Importante rin na sundin nila ang prinsipyo ng transparency at accountability lalo na sa usapin sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ang barangay ang pinakamababang unit sa politika pero sila ang direktang nakatutok sa taumbayan. Ang barangay ang nagpaplano at nagpapatupad ng mga patakaran, programa, proyekto at aktibidad ng pamahalaan sa komunidad.

Ang Punong Barangay ay nagsisilbing punong ehekutibong opisyal ng barangay. Tinitiyak niya ang kapayapaan, kaayusan at kapakanan ng kanyang mga nasasakupan. Kasama rin sa kanyang mga tungkulin at responsibilidad ang pangangasiwa sa mga operasyon ng barangay, pagtiyak sa pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo ng mga programa at maging kinatawan ng barangay sa mga panlabas na gawain.

Nawa’y patnubayan kayo ng Poong Maykapal sa inyong mga hangarin para sa ikakaunlad ng inyong barangay. Dios Mabalos!

Hanggang sa muli, mga kababayan kong Bicolano!

TELETABLOID

Follow Abante News on