Si Albert Suello Marasigan o Psyche Yura Yasu ng Yuyaro Arts ay ipinanganak sa Cavite pero tumira ng San Jose Del Monte City, Bulacan at isang OFW at nagtatrabaho sa Tokyo, Japan.
Bata pa lamang si Albert ay mahilig na syang magdrawing ngunit tila walang hilig sa kanya.
Ang mga ginuguhit niya ang mga karakter ng ‘Dragon Ball Z, Funny Komiks at iba pa. Ang mga ginuguhit niya ay palaging nakaboxing gloves sa kadahilanang hirap siyang idrowing ang mga kamay nito. Na syang pinagtatawanan ng kanyang pinsan sa tuwing at mas magaling sa kanya ng mga panahon iyon. Subalit hindi naging hadlang ang mga bagay na ‘yon kay Albert sa halip ay mas nagpursige pa syang matuto.
Si Albert ay nagtapos ng High School sa Tanza, National comprehensive High School noong 1999. Dito nahasa ang kanyang hilig at talento sa pagguhit dahil pinili nya ang drafting na electives noong 3rd Year at 4th Year High school.
Habang natututo si Albert ay tumatanggal sila ng mga komisyon noon ng gaya ng paggawa ng mga proyekto na may kinalaman sa sining, lettering sa mga folders, murals, paglalagay ng mga pangalan sa nitso tuwing araw ng mga patay, lettering sa mga diploma at certificates, portraiits, lettering sa mga signboards, murals, tshirt printing at marami pang iba.
Ngunit ang hilig nya sa pagdodrowing ay natigil dahil sa kinailangan niyang magtrabaho agad para may maitulong sa pamilya.
Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Albert ay maagang nagtrabaho sa isang pabrika sa Cavite. Nagworking student si Albert at pumasok ito sa isang Computer School sa Imus, Cavite.
Taong 2010 hanggang 2012 ay naging OFW si Albert sa Gitnang Silangan sa Saudi Arabia. Kasalukuyan noong nasa Japan na ang kanyang may bahay.
Dininig ng Panginoon ang dasal ni Albert. Muli sya ay nakabalik sa Japan.
Taong 2020 ay pumutok ang pandemya dahilan maapektuhan maging ang trabaho ni Albert. Isang araw habang nagpe-facebook si Albert ay may nakita syang video ng may kinalaman sa sining. Dito muling nanumbalik ang ang pagmamahal ni Albert sa pagdodrawing. Agad ay namili online ng gamit si Albert. Naramdaman niyang muli yung init at apoy ng pagmamahal nya sa sining. Nagpinta si Albert gamit ang acrylics noon sa canvas at pinost nya ito sa Facebook. Realism ang style ng pagpipinta ni albert. Ngunit sa kagustuhan n mas palawakin pa ang kanyang talento ay sinubakan nya ang iba’t ibang style. Abstract, pouring techniques at iba.. Ang pag-customize ng mga sapatos, bag at pitaka. Ang unang naging kliyente noon ni Albert ay ang kanyang panganay na anak na gustong magpalagay ng BTS o isang sikat n grupo ng mga koreanong lalaki sa kanyang sapatos bilang regalo sa pasko. At doon nagsimula ang pagpasok ng mga nagpapagawa ng pag pipinta sa sapatos, bags at pitaka.
Sa ngayon ay nakakarating na sa iba’t ibang bansa ang mga gawa ni Albert gaya ng France, UAE, Canada, Amerika, Netherlands, New Zealand, Ireland at syempre Pilipinas. Katulong sa ngayon ni albert ang kanyang panganay na anak na siyag nagdedesign digitally gamit ang ipad. At sa dami ng mga nais magkaroon ng kanyang mga gawa ay umaabot na ng 4-5 buwan or mahigit pa ang paghihintay.
Mabait si Albert kaya tama lamang na ‘Pasikatin Natin’ siya at ang kanyang mga obra.