WebClick Tracer

Kinapos sa training, PCG member tegi

ISANG miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palawan ang nasawi nang kapusin ito ng hininga at mawalan ng malay habang lu­malahok sa water search and rescue (WASAR) training noong Huwebes sa nasabing lalawigan.

“On Wednesday, 15 November 2023, a 27-year-old PCG District Palawan personnel with the rank of ‘apprentice seaman’ lost consciousness amid the 100-meter swim,” ayon sa isang pahayag ng PCG.

Sa ulat, napansin agad ng training staff ang kondisyon ng biktimang hindi tinukoy kaya nagsagawa agad ito ng cardiopulmonary resuscitation.

Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital para ganap na mabigyan ng atensiyong medikal pero binawian ito ng buhay bandang alas-nuwebe nang gabi.

Ipinaliwanag ng PCG District Palawan na ‘hypoxic ischemic encephalopathy secondary to a submersion injury (drowning) and subsequent arrest’, ang ikinamatay nito.

Kasabay nito’y iniutos ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan na suspendihin ang lahat ng pagsasanay sa WASAR.

Suspendido aniya ang mga kurso sa WASAR habang sinusuri ang mga paraan dito para masiguro ang kaligtasan ng Coast Guard Special Operations Force at iba pang unit.

“With this incident, rest assured that our existing training safety protocols will be reviewed and improved to ensure that every personnel preparing to become first responders can effectively serve the Filipino nation by upholding safety of lives at sea,” diin ni Gavan

TELETABLOID

Follow Abante News on