WebClick Tracer

Cavite fishkill isinisi sa sobrang lumot

TINUKOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sobrang lumot bilang dahilan ng fishkill sa Cañacao Bay sa Cavite City.

Batay aniya ito sa isinagawa nilang inisyal na pagsusuri sa lugar kung saan tone-toneladang blackchin tilapia ang lumutang at namatay.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, bumaba dissolved oxygen level sa tubig kaya dumami ang algal bloom o lumot sa lugar.

Isa aniya itong natural phenomenon at hindi matutukoy kung kailan lalabas sa tubig.

Nauna nang klinaro ng BFAR na walang malaking epekto ang fish kill sa kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar. Ito’y dahil maliit lang ang commercial value ng mga namatay na isda partikular na ang blackchin tilapia.

TELETABLOID

Follow Abante News on