WebClick Tracer

Mga faney bwisit na: Kathryn, Daniel obvious na hiwalay

Kung dati’y tinitilian at kinababaliwan, ngayon ay tila kinabubuwisitan na ng mga netizen ang KathNiel sa kanilang patuloy na pananahimik sa estado ng kanilang relasyon, kung hiwalay na nga ba, healing, o mag-dyowa pa.

Viral ngayon ang isang video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsasayaw na kuha sa event ng Omega PH Celebrity Golf event.

In-upload ito ni @@mmisslefty_ sa kanyang X post sa hindi malamang dahilan o upang ipakita siguro ang isa sa mga ramdam nilang sitwasyon ng KathNiel na nasa malamig na samahan.

Mapapanood sa video na hindi magkayakap o magkadikit ang mga katawan nina Kathryn at DJ sa isa’t isa.

Nakaunat ang kamay ni Kathryn na nakahawak sa balikat ni DJ habang naka-angkla sa isa’t isa ang dalawang kamay ng aktor.

Walang makapagsabi kung nasa gitna ng isang parlor game ang dalawa, pero malinaw na nais nilang magkaroon ng pagitan sa isa’t isa.

Kahit nagtatalon na sina Kathryn at DJ sa pagsasayaw ay walang eksena sa video na nagdikit ang kanilang mga katawan.

Sey nga ng nag-upload, “IM PREPARED BUT.”

Dahil sa resibong ito ng KathNiel, tumalak na ang content creator na si AC Soriano para hilingin sa KathNiel na magsabi na ng totoo.

“Bakit hindi sila magkayakap, ‘yung sobrang OA sa lapit na hindi sila makakahinga. Siguro hiwalay na sila. Utang nyo sa aming mga fans ang sagot!!!!!! EME NYO.”

Ganito rin ang obserbasyon ng mga sumakay sa comment thread.

“Kitang-kita sa body language, fan service na lang, matabang na tsk tsk,” @batkanangA.

“May nababasa ako fan service na lang daw sila.” @guinnessnbookrec.

‘Yun na!

TELETABLOID

Follow Abante News on