WebClick Tracer

Marian masaya ang puso sa pagbabati kay Heart

Kumikinang sa ganda si Marian Rivera sa chikahan namin sa kanya. Hindi halata na puyat siya at pagod, na 3:00am na siya umuwi ng bahay mula sa shooting nila ni Dingdong Dantes.

May bago ngang endorsement si Marian, na may kinalaman siyempre sa pagpapaganda o pagpapakinis ng balat.

At siyempre, hindi naiwasan na pag-usapan ang tungkol sa pagpa-follow nila sa isa’t isa ni Heart Evangelista sa Instagram.

Sa chikahan ng press kay Heart, sobrang emotional siya sa pagkukuwento kung paano nagkrus ang landas nila ni Marian.

“Masaya ang puso ko,” sabi ni Marian.

“Kung ano man ang mga napag-usapan namin, madalas kasi kaming nagti-text, sa amin na lang ‘yon.

“Basta ang masasabi ko lang, masaya ang puso ko,” chika ni Marian.

Anyway sa mga susunod na kolum ko na lang ikukuwento ang iba pang sinabi ni Marian tungkol sa kanila ni Heart.

Kung puwede ba silang mag-collab sa mga darating na panahon.

At siyempre, marami rin siyang kuwento tungkol sa movie nila ni Dong na ‘Rewind’ na pasok nga sa Metro Manila Film Festival.

Siyanga pala, may bago na namang endorsement si Marian, ang Ecran De Luxe na Sunblock.

Sabi ni Marian, paulit-ulit muna niyang ginamit ang Ecran De Luxe bago niya tinanggap ang offer.

Kaaliw si Marian dahil talagang siya pa ang nag-apply sa mga bisita na dumalo sa grand launch na ‘yon, para masubukan at mapatunayan nga raw kung gaano ito kabango, at sobrang epektibo kapag in-apply sa balat mo.

Bongga!

(Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on