WebClick Tracer

Bagong kasal na bebot pisak sa truck

MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng isang ginang na bagong kasal pa lang nang mahulog ito sa pagkakaangkas sa kanyang asawa at saka nagulungan ng kasunod na truck sa Calauag, Quezon noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Judy Ann Laude Aringo, 26 anyos, residente ng Barangay Hagakhakin sa Gumaca, Quezon.

Ayon sa report ng Calauag police, pauwi na habang nakaangkas ang biktima sa motorsiklong minamaneho ng kanyang mister na seaman na si Kristian Mark Aringo, 31 anyos, nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Maharlika highway sa Barangay Binutas sa bayan ng Calauag bandang alas-kuwatro nang hapon.

Nagpreno umano at nagpabagal ng takbo si Aringo dahil sa kinukumpuning kalsada sa kanilang unahan.

Gayunman, dahil sa umuulan at madulas ang kalsada, hindi agad napansin ng kasunod na wing van truck na minamaneho ni Maycael Mabilangan, 38 anyos, ang nasa unahang motorsiklo.

Nabundol nito ang motor na ikinahulog ng ginang, pumailalim ito sa truck at saka nagulungan.

Nagtamo ito ng grabeng pinsala sa ulo at katawan, dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Tuluyan namang nawalan ng kontrol ang driver ng truck at sumalpok pa sa isang nakaparadang motorsiklo at isang bahay na nasa gilid ng kalsada.

Hindi naman nasugatan ang driver ng motorsiklo at ang tatlong-taong gulang na anak niyang anak na nakaangkas sa motorsiklo.

Nabatid na isang buwan pa lang naikasal ang mag-asawang Aringo at dumalaw lang ang mga ito sa bahay ng mga magulang ng biktima sa Calauag dahil papaalis na uli ang mister nito para sumakay sa barko.

Naaresto ng pulisya si Mabilangan na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

(Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on