WebClick Tracer

Anne, Vice banggaan sa Christmas promo

Nagsimula na ang bakbakan ng mga online shopping app ngayong Christmas season.

Payanig na nga ang Lazada sa sanib-puwersa nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, at Alden Richards.

Ibinahagi na ni Anne sa kanyang X post ang promo poster ng online shopping app na makikita silang apat na magkakasama para nga sa ’99’ promo ngayong season.

Sey nga ni Anne sa caption, “Boooooogsh!” na ang tila ibig sabihin ay ‘kabog’.

Abangers na ngayon ang ibang netizen sa pasabog naman ni Vice Ganda para sa parehong season promo ng ini-endorso naman nito na Shopee.

Kakatapos lang i-launch si Vice ng nasabing OSA nong August bilang endorser at siguradong anumang oras ay iluluwa na ang Christmas promo nito.

Well, mala-tidal wave na nga sa laki ang presensya nina Sarah, Anne, Kathryn, at Alden. Magawa kaya nilang itumba si Vice na mala-lindol sa pakabog nitong paandar pag nagpo-promo?

(Rey Pumaloy)

TELETABLOID

Follow Abante News on