WebClick Tracer

Tropang Giga binigyan ng 2-year deal ang rookie na si Henry Galinato

SELYADO na ang termino ni Henry Galinato sa unang team sa PBA.

Pumirma ang rookie ng two-year deal sa TNT nitong Linggo ilang araw matapos makuha sa trade mula Rain or Shine.

Kasama ng 6-foot-6 Fil-Am na produkto ng UP ang agent niyang si Marvin Espiritu ng Espiritu Manotoc Basketball Management nang pirmahan ang kontrata sa harap ni Tropang Giga coach at team manager Jojo Lastimosa.

Second round pick (15th overall) ng Elasto Painters si Galinato sa 2023 PBA Draft sa Market! Market! nitong September 17.

Sinabi ni coach Yeng Guiao na bago ang draft ay nagkasundo na sila ng TNT sa trade.

Walang picks ang Tropa sa first two rounds, nag-pass na sila mula sa third.

Future draft pick (first-round, Season 50) ang unang inihain ng TNT, binago at idinagdag si Dave Marcelo.

Isinahog din ng Painters si veteran big Jewel Ponferada sa deal.

(Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on