WebClick Tracer

Maze Alegado, Jojit Francisco sa park skateboarding finale

HANGZHOU — Pasok sa medal round sina Jericho Jr. ‘Jojit’ Francisco at Mazel Paris ‘Maze’ Alegado sa siklab ng 19th Asian Games 2022 skateboarding park ng Linggo sa QT Roller Sports Centre sa lungsod na ito ng Zhejiang, China.

Pumoste ang 21-anyos na taga-Carson, California ng 77.86 sa run mula sa 2.06 sa run 1 upang tumersero sa men’s division sa nag-1-2 na Japanese na sina Yuro Nagahara (43.13, 81.80) at Kensuke Sasaoka (43.13, 79.81).

Kasama sa Top 8 sina Ye Chen ng host country 76.58, 56.10), Koreans Jin Han Jae (57.06), 51.10) at Gang Ho Moon (54.23, 25.18), Chinese Mingxiao Li (44.71, 52.11), Brian Upapong ng Thailand (2.00, 47.46).

Pumoste naman ang siyam na taong gulang at residente ng Fontana, CA rin na si Alegado ng 56.96 sa run 2 makaraang mag-44-86 sa run 1 upang pumangpito sa walong qualifier.

Si Hinano Kusaki ang namayagpag sa qualification sa 78.06 points, segunda si Mao Jiasi ng host country sa 77.06 at kababayan ni Kusaki na si Mei Sugawara a naka-75.33.

Pasok din sina Hyunju Cho ng Korea (70.36), Yi-Fan Lin ng Taiwan (62.00), Indonesian Bunga Nyimas (41.30) at Thai Orapan Tongkong (36.51).

Papalag sa gintong medalya sina Francisco at Alegado na mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ngayon (Lunes). Alas-12:30 ng tanghali ang men’s event habang alas-9:30 ng umaga ang women’s side.

Martes pa ang rampa ni Margielyn Didal kasama sina Mark Renzo at John Flory sa women’s at men’s street heat.

Si Didal ang defending champion sa kanyang event, sinungkit ang gintong medalya sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad. (Ramil Cruz)

TELETABLOID

Follow Abante News on