WebClick Tracer

Manila Chooks kapos sa quaters

NAPIGILAN sina Mac Tallo at Manila Chooks hanggang sa pinakauna lamang nitong pagtuntong matapos ang higit sa 15 buwan sa quarterfinals matapos harangan ng World No. 1 na UB Huishan NE ng Serbia, 14-21, sa FIBA 3×3 Cebu Masters sa SM Sea Side sa Cebu City.

Nakipagpalitan sa pagkapit sa abante sina Tallo kasama sina Marcus Hammonds, Marquez Letcher-Ellis at Tosh Sesay na kung saan huling nagtabla ang iskor sa 8-all bago unti-unting lumayo ang anim na beses naging FIBA World Tour leg champions na UB upang pigilan ang koponan ng Pilipinas sa hanggang quarterfinals lamang.

Matagal na panahon na hindi nakalasap ng panalo ang Manila Chooks sa isang FIBA World Tour Masters kung saan nagawa nitong noong Sabado ng gabi sa pagbigo nito sa Futian ng China, 21-17.

Samantala;y naokupahan ni Tallo ng Manila Chooks ang isa sa apat na pwesto sa labanan sa Shoot-out para makipag-agawan sa titulo Linggo ng hapon. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on